Jose Rizal: kanyang pananaw

magandang araw

kami ang grupong joe, mga piling mag-aaral sa klaseng PI 100 ng UP Diliman sa ilalim ng kagalang galang na si propesor Mary Jane Rodriguez-Tatel

Latest

Matagumpay nga ba ang Unang Pambansang Kilusan?

Nakamtan nating mga Pilipino ang ating kalayaan galing sa mga Kastila na noong Hunyo 12, 1898 sa pamamagitan ng isang armadong rebolusyon. Iwinagayway ang ating bandila ni Emilio Aguinaldo sa Cawit Cavite habang ipinatugtog ang Martsa Magdiwang na ngayo’y tinatawag na “Lupang Hinirang”. Ipinagdiriwang natin ito taon-taon at ngayo’y malaya na tayo nang isandaan at labindalawang taon.

 Malaya nga ang mga Pilipino, ngunit Ito ba ang gusto ni Rizal sa panahong iyon, at sa ganoong paraan? Ngayon, mahigit isandaang taon na ang lumipas, mayroong mga problema pa ring hinaharap ang Pilipinas noon na hinaharap pa rin ngayon. Nariyan ang Hacienda Luisita sa Tarlac na nagpapakita ng pyudal na sistema at ayon sa Kilusang Magbubukid, pito sa sampong magsasaka sa buong Pilipinas ay nagtatanim sa lupa na hindi nila pagmamay-ari. Laganap pa rin ng pandarambong sa ating bansa at ipinakita ito ng mga kung anu-anong mga skandalo na lumalabas tulad ng ZTE scanadal, fertilizer scam, Hello Garci, at marami pang iba. Kahit sa Impeachment trial ng dating Pangulong Joseph Estrada, kita ang katiwalian nang hindi buksan ang pangalawang sobre ng kanyang kaso sa telebisyon. Karamihan pa sa mga Pilipino ay naghihirap at iilan lamang ang nabubuhay nang masagana. Parang ang petsa lamang ang pagkakaiba sa lipunan ng Pilipinas noon, at ngayon.

 Isa sa mga dahilan nito ay doon sa rebolusyon noong 1896, nagsama-sama nga ang kapuluan sa ilalim ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Ngunit sa loob ng pagsasama nito ng mga Pilipino, naroon pa rin ang pagkakahiwalay nila batay sa kaisipan at tinatayuan sa lipunan.

Mayroong mga humihingi ng mga reporma upang maging magkakapantay-pantay ang mga Pilipino at mga Kastila, at hindi ang maging malaya mula sa mga Kastila. Ang gusto nila ay maging probinsya ng Espanya ang Pilipinas, kasama sa kanilang hinihingi ay ang pagkaroon ng kinatawan sa Cortes tulad ng Cuba, at isa rito ay si Jose Rizal.

Sa kabila nito, mayroon din na ang gusto ay ang paglaya ng kapuluuan mula sa kapangyarihan ng Espanya tulad nina Andres Bonifacio. Nakasulat sa preamble ng Biak na Bato ay “ Ang paghiwalay ng Pilipinas sa monarkiyang Espanyol at ang kanyang pagtatag ng isang malayang estado na mayroong sariling pamahalaan…” Mayroon pang inisip na palitan ang pangalan ng Pilipinas sa Katagalugan upang ipakita na wala nang pagkakaugnay ang kapuluan sa Espanya.

 Sinulat nga ni Emilio Jacinto sa Kartilya ng Katipunan na ang tao ay pantay-pantay na nilikha, kahit na iba ang kanilang kulay ng balat, kaalaman, o kayamanan. Ngunit nangingibabaw pa rin ang pagkakaiba nila batay sa kanilang kayamanan at kaalaman. Ang mga masa ay ipinaglalaban ang kalayaan galing sa kolonyal na pamamahala ng Espanya upang hindi na sila mapagsamantalahan ngunit ang mga ilustrado ay tulad ng nakasaad kanina, upang magkaroon ng pagbabago at inisip na lamang na piliin ang kalayaan upang isulong ang kanilang mga pangkalakalang interes at upang makamtan ang kapanyarihan. Lumabas ito nang pinagdudahan ang pamumuno ni Andres Bonifacio ni Daniel Triona dahil hindi naman siya isang abogado o nakapag-aral man lamang sa ibang bansa kundi isa lamang siyang bodegero. At ang labanan na ito ng mga masa at ng mga elit ay umabot sa patayan ng Pilipino sa kapwa Pilipino pagpatay kay Bonifacio sa utos ni Emilio Aguinaldo dahil lamang sa pamumuno.

Ang lumalabas na pangyayari rito ay nagsama-sama ang mga tao galing sa iba’t-ibang katayuan ay dahil lamang pareho ang kanilang kaaway. Nang matapos nilang talunin ang kanilang kalaban ay pati sila ay magtutuloy sa kanilang labanan. Kung ganoon nga, hindi nagkamali si Rizal na hindi pa handa ang Pilipinas sa kalayaan. Unang-una, ang gustong mangyari ni Rizal ay makapagaral nang maayos ang mga Pilipino at umangat ang kanilang dignidad, at magkaroon ng konsepto ng bayan. At galing doon, ang maging dahilan ng mga Pilipino sa paglaban para sa kanyang kalayaan ay ang pagmamahal nito sa bayan at hindi dahil sa galit nito sa kanyang mang-aapi, o kaya ang pagkakataon para umangat sa lipunan. At kung mapabuti nga ng mga Pilipino ang kanyang sarili, ang paraan sa pagkamtan ng kalayaan ay darating, at hindi lamang ito ang armadong kilusan dahil ito dapat ay gagamitin kung wala nang ibang paraan upang makamtan ito.

At kung hindi, nakikita naman ang nangyari sa Pilipinas pagkatapos ng pagkdeklara ng kalayaan sa Pilipinas noong 1898. Ang mga alipin noon, ay naging mga panginoon ngayon.

Nakamtan nating mga Pilipino ang ating kalayaan galing sa mga Kastila na noong Hunyo 12, 1898 sa pamamagitan ng isang armadong rebolusyon. Iwinagayway ang ating bandila ni Emilio Aguinaldo sa Cawit Cavite habang ipinatugtog ang Martsa Magdiwang na ngayo’y tinatawag na “Lupang Hinirang”. Ipinagdiriwang natin ito taon-taon at ngayo’y malaya na tayo nang isandaan at labindalawang taon.

Malaya nga ang mga Pilipino, ngunit Ito ba ang gusto ni Rizal sa panahong iyon, at sa ganoong paraan? Ngayon, mahigit isandaang taon na ang lumipas, mayroong mga problema pa ring hinaharap ang Pilipinas noon na hinaharap pa rin ngayon. Nariyan ang Hacienda Luisita sa Tarlac na nagpapakita ng pyudal na sistema at ayon sa Kilusang Magbubukid, pito sa sampong magsasaka sa buong Pilipinas ay nagtatanim sa lupa na hindi nila pagmamay-ari. Laganap pa rin ng pandarambog sa ating bansa at ipinakita ito ng mga kung anu-ano mga skandalo na lumalabas tulad ng ZTE scanadal, fertilizer scam, Hello Garci, at marami pang iba. Kahit sa Impeachment trial ng dating Pangulong Joseph Estrada, kita ang katiwalian nang hindi buksan ang pangalawang sobre ng kanyang kaso sa telebisyon. Karamihan pa sa mga Pilipino ay naghihirap at iilan lamang ang nabubuhay nang masagana. Parang ang petsa lamang ang pagkakaiba sa lipunan ng Pilipinas noon, at ngayon.

 Isa sa mga dahilan nito ay doon sa rebolusyon noong 1896, nagsama-sama nga ang kapuluan sa ilalim ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Ngunit sa loob ng pagsasama nito ng mga Pilipino, naroon pa rin ang pagkakahiwalay nila batay sa kaisipan at tinatayuan sa lipunan.

Mayroong mga humihingi ng mga reporma upang maging magkakapantay-pantay ang mga Pilipino at mga Kastila, at hindi ang maging malaya mula sa mga Kastila. Ang gusto nila ay maging probinsya ng Espanya ang Pilipinas, kasama sa kanilang hinihingi ay ang pagkaroon ng kinatawan sa Cortes tulad ng Cuba, at isa rito ay si Jose Rizal.

Sa kabila nito, mayroon din na ang gusto ay ang paglaya ng kapuluuan mula sa kapangyarihan ng Espanya tulad nina Andres Bonifacio. Nakasulat sa preamble ng Biak na Bato ay “ Ang paghiwalay ng Pilipinas sa monarkiyang Espanyol at ang kanyang pagtatag ng isang malayang estado na mayroong sariling pamahalaan…” Mayroon pang inisip na palitan ang pangalan ng Pilipinas sa Katagalugan upang ipakita na wala nang pagkakaugnay ang kapuluan sa Espanya.

Sinulat nga ni Emilio Jacinto sa Kartilya ng Katipunan na ang tao ay pantay-pantay na nilikha, kahit na iba ang kanilang kulay ng balat, kaalaman, o kayamanan. Ngunit nangingibabaw pa rin ang pagkakaiba ng nila batay sa kanilang kayamanan at kaalaman. Ang mga masa ay ipinaglalaban ang kalayaan galing sa kolonyal na pamamahala ng Espanya upang hindi na sila mapagsamantalahan ngunit ang mga ilustrado ay tulad ng nakasaad kanina, upang magkaroon ng pagbabago at inisip na lamang na piliin ang kalayaan upang isulong ang kanilang mga pangkalakalang interes at upang makamtan ang kapanyarihan. Lumabas ito nang pinagdudahan ang pamumuno ni Andres Bonifacio ni Daniel Triona dahil hindi naman siya isang abogado o nakapag-aral man lamang sa ibang bansa kundi isa lamang siyang bodegero. At ang labanan na ito ng mga masa at ng mga elit ay umabot sa patayan ng Pilipino sa kapwa Pilipino pagpatay kay Bonifacio sa utos ni Emilio Aguinaldo dahil lamang sa pamumuno.

Ang lumalabas na pangyayari rito ay nagsama-sama ang mga tao galing sa iba’t-ibang katayuan ay dahil lamang pareho ang kanilang kaaway. Nang matapos nilang talunin ang kanilang kalaban ay pati sila ay magtutuloy sa kanilang labanan. Kung ganoon nga, hindi nagkamali si Rizal na hindi pa handa ang Pilipinas sa kalayaan. Unang-una, ang gustong mangyari ni Rizal ay makapagaral nang maayos ang mga Pilipino at umangat ang kanilang dignidad, at magkaroon ng konsepto ng bayan. At galing doon, ang maging dahilan ng mga Pilipino sa paglaban para sa kanyang kalayaan ay ang pagmamahal nito sa bayan at hindi dahil sa galit nito sa kanyang mang-aapi, o kaya ang pagkakataon para umangat sa lipunan. At kung mapabuti nga ng mga Pilipino ang kanyang sarili, ang paraan sa pagkamtan ng kalayaan ay darating, at hindi lamang ito ang armadong kilusan dahil ito dapat ay gagamitin kung wala nang ibang paraan upang makamtan ito.At kung hindi, nakikita naman ang ngyari sa Pilipinas pagkatapos ng pagkdeklara ng kalayaan sa Pilipinas noong 1898. Ang mga alipin noon, ay naging mga panginoon ngayon.

 

 

 

Ang tunay na kapangyarihan ng bayan

Sa kung ano talaga ang pananaw ng ating bayani tungkol sa kapangyarihang bayan, walang makapagsasabi ng tiyak. Kaya lamang nating pag-aralan ang kanyang mga sinulat at sinabi upang gumawa ng isang konklusyong nakaayon sa kanyang mga pinaglalaban. Marami na ngang manunulat ang gumawa nito. Ngunit sa lahat ng kanyang mga sinulat at mga katagang nabitawan, ang amin lamang makukuhang isang tema mula rito ay ang pagtitiwala ni Rizal  sa mga Pilipino. Ang pagtitiwalang ito ang hindi naging dahilan ni Rizal upang pigilan ang rebolusyon na binabalak nila Bonifacio, dahil una sa lahat ay malinaw rin kay Rizal na hindi magkatumbas ang rebolusyon at kapangyarihan ng bayan.

Kung gayon, ano nga ba kay Rizal ang kapangyarihan ng bayan? Mula sa aklat na “Mga Kaisipan ni Dr. Jose Rizal” ay makikita ang isang maiikling pahayag at deretsahang pagsasabi ni Rizal ng sa kung ano ang nakikita nyang magiging sandata natin bilang mamamayan? At ito ang edukasyon.

“Nakapagbigay ako ng patotoo gaya ng nakapagbigay ng lalong marami, na ninanais ko ang mga kalayaan ng ating bayan at patuloy ang pagnanasa ko ng mga ito. Datapwa’t inilagay kong batayan ang pagkakatuto ng bayan upang sa pamamagitan ng pag-aaral at ng paggawa ay magkakaroon siya ng sarilingkatauhan at maging dapat siya sa mga iyon.”


Si Rizal ay naniniwala sa kapangyarihan ng bayan bilang mga taong kayang mag-isip para sa kanilang sarili sa pamamagitan ng edukasyon. Ngunit ang kapangyarihang ito ay hindi maaaring mapunta sa karahasan. Hindi ito upang sabihing takot si Rizal sa himagsikan; hindi ngunit:

“Tinitiyak ko sa inyong wala akong kanais-nais na makilahok sa mga paghihimagsik, na inaakala kong napakaaga sa panahon at napakamapangahas. Datapwa’t kung kami’y pipilitin ng pamahalaan na gawin ang gayon, alalaon baga’y kung wala ng nalalabi sa aming iba pang pag-asa kundi hanapin ang aming pagkapariwara sa pakikidigma, kapag lalo’y minamarapat ng mga Pilipino ang mamatay kaysa magpatuloy sa lalong pagtitiis, sa gayo’y makikisama na rin ako sa mga marahas na kaparaanan.”


Makikita sa mga pahayag na ito na bukas ang isip ni Rizal sa ideya ng rebolusyon; ngunit sa mga oras na niyaya siya upang makisangkot dito ay tumanggi siya dahil sila ay hindi pa handa para sa mga malaking laban.

Isa pang nakikita namin ay ang paniniwala ni Rizal sa kabutihan ng puso at pagmamahal sa bayan. Ayon kay Schumacher, isinulat ni Rizal ang Noli hindi lamang upang ipakita ang kalupitan ng Espanya kundi naging kasulatan ito ng nasyonalismo ng mga Pilipino. Gusto niyang ipakita na may mali sa ating bansa noong kanyang panahon hindi lamang sa mga pang-aabuso ng mga Espanyol kundi pati na rin sa mga pagkukulang ng kapwa nyang Pilipino. Maganda ang mga salita ni Schumacher na magtitibay sa puntong ito: “A sound nationalism had to be based on accurate and unsparing analysis and understanding of the contemporary situation, not on a self-congratulatory, but by the same token, self-deceptive adulation of all things Filipino. Before beginning the struggle, the foundation must be well and surely laid.”

Kahit pa nga naniniwala si Rizal na kailangan at sa katunayan, ay hindi maiiwasan ang rebolusyon, naniniwala naman siya na hindi dapat magkaroon ng pagdanak ng dugo ng ibang tao kundi ang kagustuhang magdanak ng sariling dugo para sa bayan–ito ang tunay na kapangyarihan ng bayan.

Design a site like this with WordPress.com
Get started