Jose Rizal: kanyang pananaw

Tungkol sa Sayt

Naalala niyo pa ba ang mga nangyari sa EDSA noong Pebrero 22-25 1986? E noong mapatalsik sa pwesto si Joseph Estrada noong Enero 20, 2001? Naalala niyo ba kung paano hindi madaanan ang kahabaan ng EDSA dahil sa dami ng taong sumisigaw ng kanilang hinaing? Nakakatindig balahibo hindi ba? Dahil kapag ang bayan ang kumilos, ang bayan ay nagtatagumpay.

Ang website na ito ay ginawa para ipakita kung ano ang nagawa o magagawa pa kapag ang bayan ang kumilos. Gaano kalakas ang kapangyarihang taglay ng pinagsama-samang lakas ng mga tao? Ano nga ba ang naging papel ng bayan sa paghubog ng kasalukuyang Pilipinas sa paglipas ng panahon? Naging tama ba si Rizal nung sinabi niya na sa paghihimagsik na bayan, hindi kinakailangan may masaktan o mawalan ng buhay? Maraming mga tanong na susubukan ng aming grupong maliwanagan sa websayt na ito base sa aming mga natutunan sa klase at mga sariling pananaliksik sa mga akda ni Rizal tungkol sa kapangyarihang bayan.